by Liv Strömquist
Malimit banggitin nang walang halong bungisngis o pangungutiya ang salitang “puki,” na para bang ito’y kahiya-hiyang salita, o kaya isang sikretong dapat pabulong lamang sabihin. Bakit kaya? Sa Pukiusap, susuriin ni Liv Strömquist ang kasaysayan ng kapukihan bilang ideya, bilang sentro ng diskurso’t kontrobersiya, at bilang pundasyon ng mga kultura. Sa kakatwang salin ni Bebang Siy, buhay na buhay ang boses ng mga henerasyon ng kababaihan na matagal nang nagtitiis habang isinasantabi sila ng kasaysayan.